-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 02 10 25 31

CEBU CITY – Patay sa pananambang ang kontrobersiyal na negosyante na si Ruben Feliciano sa Lower Fulton Street, Barangay Apas sa lungsod ng Cebu kagabi.

Dating tumakbo sa pagka-alkalde si Feliciano sa bayan ng San Fernando, Cebu noong 2019 election.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Mabolo Police Station, kakaparada pa lang ni Feliciano sa kanyang kotse kasama ang kanyang pamangkin sa tapat ng inuupahang apartment sa Blue Garden Residences sa lugar nang biglang dumating ang isang van at lumabas ang isang suspek na bumaril-patay sa biktima na agad tumakas sa pinangyarihan ng krimen sakay ang van.

Screenshot 2021 01 02 10 25 50

May sakay na limang suspek ang van na ginawang “get-away vehicle” ng suspek.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima batay sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.

Habang ang pamangkin ng biktima na si Kim Feliciano ay agad namang isinugod sa ospital dahil sa natamong sugat sa pangyayari.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen habang tinitignan na rin ang lahat ng mga CCTV footage na malapit sa pinangyarihan ng insidente upang makatulong sa imbestigasyon.