Nakisama rin si dating Senate President Franklin Drilon na umapela sa judge na humahawak sa kaso ni dating Senator Leila de Lima na tingnan muli ang mga ebidensiya at payagang makapagpiyansa si dating senadora leila de lima.
Ginawa ni Drilon, na dati ring naging Justice secretary, ang apela matapos na makaligtas sa hostage taking si de lima sa Philippine National Police Custodial Center.
Ayon pa sa dating senador, panahon pa upang payagan ng korte na makapagiysan si de lima dahil ang principal witness sa drug case ay una nang binawi ang testimonya.
Kung sakali naman aniya na sa paniniwala ng judge na na hindi magka-qualify sa pinayansa si de lima, isa pang option ay isailalim sa house arrest ito.
Isa rin sa options ay isailalim ito sa kustudiya ng isang tao.