-- Advertisements --

Nanawagan si dating senador Gregorio Honasan II, isa sa mga kilalang tao sa pag-aalsa ng EDSA People Power noong 1986, na itigil na ang away sa pulitika, habang ginugunita ngayon ng bansa ang ika-38 anibersaryo ng EDSA Revolution.

Sa isang panayam, sinabi ni Honasan na ang pamana ng pag-aalsa ay may kaugnayan pa rin sa kasalukuyang klima sa pulitika ngayon.

Si Honasan ay isang Army colonel nang siya at ang defense minister noon na si Juan Ponce Enrile ay namuno sa isang pag-aalsa laban sa nakatatandang Marcos, ang ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa.

Daan-daang libong tao ang sumali sa pag-aalsa, na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos sa kapangyarihan at pagkakaluklok kay Corazon Aquino sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Para sa dating senador, dapat iwasan ng mga national leaders ng bansa ang pagsali sa word war, dahil hindi malulutas ng partisan politics ang mga problemang kinakaharap ng karamihan sa mga Pilipino tulad ng access sa mga pangunahinging pangangailangan: pagkain, damit, tirahan, edukasyon at napapanahong impormasyon.