-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Lt. Rudy James Jacalne, chief of police ng PNP-Piddig na boluntaryong sumukp ang dating rebelde mula sa Communist Front Organization.

Kinilala ni Jacalne ang sumuko na si alyas Ka Agba, 48-anyos.

Ayon kay Jacalne, si Ka Agba ay sumali sa rebeldeng grupo noong 1986 at muling na-recruit noong 2017 sa pamamagitan ng Martial Law Victims Association ng Ilocos Norte.

Samantala, sinabi nito na gusto ni Ka Agba na malinis ang pangalan nito dahilan upang sumuko sa mga otoridad.

Ipinalaam ni Jacalne na sa pagtungo ni Ka Agba sa mga otoridad ay sinuko pa nito ang shotgun na isa sa kanyang mga gamit noon aktibo pa ang grupo.

Dagdag niya na kinausap nila si Ka Agba ukol sa pagsuko ng ibang armas na kanyang ibinaon sa lupa.

Kaugnay nito, sinabi ni Jacalne na ang lugar ng operasyon ng dating rebelde ay sa probinsya ng Ilocos Sur at Abra.

Aniya, mayroon ng koordinasyon ang PNp sa lokal na gobierno para sa tulongna bahagi ng programa ng gobierno national bilang suporta sa mga sumuko na rebelde.