-- Advertisements --
gonzales

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang dating pulis na nag viral matapos na mambatok at magkasa ng baril sa kanyang nakaalitang siklista sa QC noong August 8, 2023.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, si Wilfredo Gonzales ay isang co terminos employee sa opisina ni Associate Justice Ricardo Rosario.

Matapos malaman ng kanyang opisina ang kanyang ginawa sa siklista ay kaagad itong sinibak sa pwesto.

Hindi naman binanggit pa ng SC PIO kung ano ang naging eksaktong trabaho nito sa kanilang tanggapan.

Una rito ay lumabas ang hakahakang nagtatrabaho ito sa Department of Justice dahil sa kanyang suot na uniporme ng mangyari ang insedente.

Kaagad namang tumugon ang Justice Department at sinabing wala silang empleyado sa kanilang data base na nagngangalang Wilfredo Gonzales.

Kinansela na rin ng Philippine National Police ang lesinsya nito sa paghawak ng baril.