-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ibinahagi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ini-enjoy umano ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-retiro nito sa politika, mahigit isang buwan na ang nakalipas bilang isang private citizen.
Dagdag pa ng Davao mayor na nasa maayos na kalagayan ang ama nito kahit paman na hindi pa sila nagkita at nag-usap mula nang dumating sa lungsod ng Davao ang dating pangulo ng bansa.
Habang, kinumpirma naman nito na walang kahit anong plano ang kanyang ama na magpapili sa kahit ano mang local position sa susunod na eleksyon.
Ang 77 anyos na dating pangulo ang nagsimula sa kanyang political career sa lungsod ng Davao kung saan nagserbisyo ito bilang mayor sa loob ng 22 na taon.