-- Advertisements --
image 478

Inappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bilang Undersecretary ng Department of Agriculture ang dating mambabatas at kapwa nito Ilokano na si Deogracias Victor “DV” Savellano

Si Savellano ay nagsilbing Kinatawan ng Ilocos Sur mula noong 2016 hanggang 2022. Noong 2019, siya ay naging deputy speaker ng House of Representatives.

Bago nito, nagsilbi siyang Gobernador ng Ilocos Sur mula 2001 hanggang 2004 at 2007 hanggang 2010.

Siya ay asawa ng sikat na aktress na si Dina Bonnevie

Ipinanganak ang naturang opisyal sa Cabugao, Ilocos Sur noong 1959 at nagtapos ng Economics Degree mula sa University of the Philippines, kasama na ang Master’s degree sa International Business Administration sa California.