(Update) DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ng militar ang dating iskolar at guro nitong lungsod matapos mahuli sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Sitio Quibolog, Barangay Mapula, Paquibato District nitong lungsod.
Sa imbestigasyon ng otoridad, isa umanong dating Mindanao Interfaith Services Foundation Incorporated scholar at guro sa Haran sina alyas Ash, 22-anyos na squad medic, at isang alyas Mayo, 21-anyos na supply officer ng Guerilla Front 55 at part time teacher sa Haran.
Maliban sa mga ito, tatlo ang sugatan sa sagupaan na sina alyas King-Kong, alyas Lian at alyas Ok-Ok.
Patuloy naman ang hot pursuit operation ng laban sa mga tumakas na mga rebelde gayundin ang paghahanap sa sinasabing lider ng grupo na si alyas Marikit.