-- Advertisements --

Inirekominda ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na gamintin pansamantala ng pamahalaan ang dating television at radio frequencies ng ABS-CBN para gawing alternative sa distance learning modalities ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Sa kanyang inihain na House Resoultion 1044, tinukoy ni Villafuerte na mahalaga at makakatulong sa distance learning ang paggamit ng lahat ng posibleng delivery modes tulad ng untapped television at radio frequencies na dating hawak ng ABS-CBN.

“The unused frequencies may also be used for information on COVID-19 prevention and control, risk reduction, and preparedness,” ani Villafuerte.

Nauna nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na naghahanda ang kanilang kagawaran para sa implementasyon ng blended learning.

Pero iginiit nito na sila ay nanantiling committed na gawing “available and thriving” ang edukasyon sa bansa kahit sa gitna ng pandemya.