-- Advertisements --

LAOAG CITY – Mayroon umanong naiisip si Mr. Edwin Quiroga, dating empleyado ng lokal na pamahalaan ng Laoag kung sino ang nagpadala sa kanya ng paper bag na naglalaman ng bala ng baril at kandila na may itim na ribbon.

Iisa aniya ang alam niyang gumagawa ito sa kanya dahil hindi lamang ito ang unang beses na may banta sa kanyang buhay dahil noong Pebrero ang nakatanggap rin ng mensahe na nagbabanta.

Sinabi na nagsimulang makatanggap ng banta sa kanyang buhay nang inihayag niya ang suporta sa isang kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod.

Samantala, nalaman niya na mayroon naipada sa kanya matapos tumawag ang kanyang hipag na may paper bag na para sa kanya at ibinigay sa bata nilang kapitbahay.

Inihayag niya na hindi umano alam ng bata kung sino ang nagbigay sa kanya ng paper bag, binigyan pa umano ng mga responsable ng 100 pesos ang bata para ibigay sa kanya ito.

Base aniya sa eye witnesses ay apat na katao ang nakasakay sa kotse at ang mga ito ang nag-abot sa bata.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP hinggil dito.

Maalala na noong Sabado ay mayroon ring natanggap ang mga ilang punong barangay sa lungsod ng Laoag na sulat na nagbabanta sa kanilang buhay, at ang bala at kandila na mayroon ring black ribbon.