CEBU CITY — Pumanaw nitong bisperas ng Pasko ang dating kongresista ng Cebu 4th district na si Benhur Salimbangon sa edad na 75-anyos nitong hapon.
Ito ang kinumpirma ng kapatid nitong si Francis Salimbangon sa kanyang social media post at sinabi nito na naging mapayapa ang pagpanaw ng dating kongresista kasama ang pamilya matapos ang kanyang laban sa sakit na cancer.
Inilarawan ng pamilya ang dating Cebu 4th district representative bilang mapagmahal na kapatid, asawa, at lolo bukod sa pagiging ama ng hilagang bahagi ng lalawigan.
Dagdag pa ni Francis na mananatili ang legacy ng dating kongresista dahil sa dami ng natutulungan nito.
Nagsilbi si Cong. Benhur bilang kongresista ng 4th district sa lalawigan ng Cebu mula 2007 hanggang 2019.
Nagpasalamat ang pamilyang Salimbangon sa mga nagdasal para kay Cong. Benhur at humiling sila ngayong ng privacy kasabay ng kanilang pagluluksa.