-- Advertisements --

Magtatangkang gumawa lumangoy ng mabilis si dating world champion James Magnussen.

Ayon sa 32-anyos na Australian champion swimmer na iinom ito ng pinagbabawal na substance para tangkain ang mabilis na paglangoy na mas higit pa sa world record.

Ang retiradong swimmer ay lalahok sa Enhanced Games kung saan ang doping ay pinapayagan.

Lalangoy ito ng 50 meter freestyle bagamat hindi ito opisyal dahil sa walang mangyayaring drug-test.

Ang may hawak na record na men’s 50 meters freestyle ay si Cesar Cielo ng Brazil kung saan nakuha nito sa loob ng 20.91 segundo noong 2009 habang nakasuot ng performance-enhancing non-textile swimsuit na pagkatapos ng ilang buwan ay ipinagbawal na ito.

Ang Enhanced Games ay itinaguyod ng negosyante ng Australia na si Aron D’Souza noong 2023 at ito ay hindi isinailalim sa World Anti-Doping Agency rules.