-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Dante at naging tropical storm na ito.

Huli itong namataan sa layong 650 km sa silangan ng Davao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang storm Dante nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Sa kasalukuyan, walang itinaas na tropical storm signals ang Pagasa.