-- Advertisements --
1777246472.0

Nakuha ng Dallas Mavericks ang ikalima nitong panalo ngayong season, matapos talunin ang Charlotte Hornets, 124 – 118.

Bumangon ang Dallas mula sa pagkakabaon nila sa unang dalawang kwarter ng naturang laro kung saan sa pagtatapos ng first half ay umabot sa 12 points ang hawak na kalamangan ng Charlotte.

All-around performance ang ipinakita ni Luka Doncic sa kanyang 23pts 12 rebs 9 assts, matapos ibabad ng husto sa naturang laro. Nag-ambag din ng double-double si Kyrie Irving: 18 points 10 rebounds, maging si Dereck Lively II na nagbuhos ng 15 big points at 14 rebounds.

Labis na pinahirapan ng Hornets ang mga Dallas players sa ilalim ng paint kung saan kumamada ang Hornets ng 72 points sa loob nito, habang 50 points lamang ang naipasok na puntos ng Mavs.

Gayonpaman, namayani ang mavs sa free-throw area, matapos silang gawaran ng 32 second-chance points.

Sa 32 attempts na ito, nagawa ng Mavs na ipasok ang 24 points.

Sa panig ng Charlotte, nagawaran ito ng 21 second-chance points ngunit umabot lamang sa 12 points ang kanilang naipasok.

Dahil sa naging panalo, hawak na ng Mavs ang 5 – 1 na kartada habang dalawa pa lamang ang nagawa ng Hornets na maipanalo at apat na ang naitalang pagkatalo.