-- Advertisements --
sondland vindman 2

Tikom ang bibig ng kampo ni US President Donald Trump matapos sibakin sa pwesto ang dalawang senior officials na tumestigo sa katatapos laman na impeachment trial laban sa pangulo.

Isiniwalat ni United States envoy to the European Union Gordon Sondland na inabisuhan siya ni Trump na umalis na sa White House ngayong araw.

Sa kabila nito, lubos pa rin umano ang pasasalamat ni Sondland sa binigay na oportunidad ng pangulo na pagsilbihan ang Amerika maging ang buong suporta na kaniyang natanggap mula kay Secretary of State Mike Pompeo

Una rito ay hinatid na rin palabas ng White House ang top expert ng Ukraine na si Lt. Col. Alexander Vindman.

Ayon sa ilang opisyal mula sa White House, inaasahan na umano ni Vindman ang pagbalik nito sa defence department kung saan mayroon pa itong active-duty soldier status.

Kapwa humarap sina Sondland at Vindman sa House of Congress noong kasagsagang impeachment trial ng American president kung saan naghain ang mga ito ng testimonya na magpapatunay na nakipag-ugnayan si Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.