Ipinasa na ng US Congress ang dalawang bipartisan bills na layunin na parusahan ang Russia dahil sa sinimulang digmaan nito laban sa Ukraine.
Ito ay matapos na i-anunsyo ng Biden administration ang pagpapataw ng panibagong sanctions sa pinakamalaking financial institutions ng Russia, gayundin ilang mataas na opisyal nito, maging sa mga anak ni Russian President Vladimir Putin.
Sa naturang kautusan ay nagkaisang pagbotohan ng Senado ng Amerika na naglalayon na suspindihin ang lahat ng kanilang normal trade relations sa Russia, gayundin ang pagbabawal sa pag-aangkat ng oil, coal, at natural gas mula rito.
Samantala, nakatakda naman na itong ipasa ng Kongreso ng Estados Unidos sa White House upang ganap na malagdaan na ito ni US President Joe Biden.