Bagaman halos magkapitbahay lamang, nakatakdang magbanggaan ang dalawang Baltic countries para paglabanan ang Spot No.5 sa nagpapatuloy na FIBA 2023.
Batay sa schedule ng FIBA World Cup 2023, nakatakda bukas ang tapatan sa pagitan ng Latvia(29) at Lithuania(8).
Magiging World No. 5 ang mananalo sa pagitan ng dalawa habang otomatikong No.6 naman ang matatalo.
Ang dalawang bansa ay magkatabi lamang sa Europa, at kapwa nakasandal sa Baltic Sea.
Kapwa naging maganda ang performance ng dalawang Baltic countries matapos talunin ang iba pang mga national team hanggang sa mapatapat din sa mga kapwa European Countries.
Nitong Huwebes, tinalo ng Latvia ang Italy sa ilalim ng consolation playoffs sa score na 87 – 82.
Sunod namang tinalo ng Lithuania ang Slovenia sa score na 100-84.