-- Advertisements --
BFP 2

Nagtamo ng first degree burn sa katawan ang isang 17-anyos na dalagita matapos nasunog sa aktibidad ng grupo ng kabataan sa Estancia, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Joebert Amado, hepe ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na may culminating activity ang Pag -Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan.

Suno kay Amado, naghahanda ng kanilang costume ang mga contestants sa isang modelling show nang sinindihan ng kasama ng biktima ang glue stick gamit ang lighter ngunit dahil gawa sa light materials ang costume, mabilis itong kinain ng apoy.

Nasunog ang kamay at paa ng dalagita na kaagad namang dinala sa ospital at patuloy pa na ginagamot.