KORONDAL CITY – Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng Esperanza Municipal Police Station kaugnay sa natagpuang bangkay ng babae na pinaniniwalaang ginahasa at brutal na pinatay.

Sa impormasyon ipinaabot ng Esperanza PNP, natagpuan ang bangkay ng babaeng tinatayang nasa 17 hanggang 19-anyos ang edad na hindi pa natukoy ang identity sa isang African plantation sa Prk. Samadinalag-on, Brgy. Daladap, Esperanza Sultan Kudarat.

Brutal ang pagpatay sa dalaga dahil tinakpan pa ng tela ang bibig nito at may tama din ng bala sa dibdib at ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Isang senyales na ginahasa ito ay dahil nakababa ang pantalon at underwear ng biktima habang halos nahubad din ang pang itaas na damit nito na stripe pink.

Sa ngayon hindi pa malaman kung sino ang biktima dahil walang pang kamag-anak ang nag claim sa bangkay nito at wala ring nakakakilala sa dalaga.

Pinaghahanap na rin ang posibleng may kagagawan ng krimen.