-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Dahil sa pagtindi pa ng heatwave, napilitan ang ilang mga mamamayan sa Scotland na maghubad na lamang ng damit o magsuot ng swimsuit sa loob at labas ng bahay.
Ayon kay Bombo International Correspondent Nikki Rebustes, umaabot na sa 25 hanggang 31 degrees celsius ang temperatura sa naturang bansa.
Ito umano ang dahilan kung bakit karamihan sa mga mamamayan ay mas nais na manatili sa labas kagaya ng mga baybayin at parke.
Halos isang linggo na umano silang nakakaranas ng matinding init ng panahon, kung saan masakit sa balat ang init.
Upang maibsan ang init na nararanasan, binubuksan nila ang mga bintana upang makapasok ang hangin.
Nabatid na ang mga bahay sa Scotland ay hindi naka-desinyo para sa mainit na panahon.