-- Advertisements --
Nakatakdang umalis mula sa Ukraine ang apat na barko na naglalaman ng mga trigo at sunflower.
Dadaan ang mga ito sa pansamantala sa safe maritime corridor.
Patungo ang mga ito sa Turkey sa pamamagitan ng pagdaan sa ports of Odesa at Chornomorsk.
Ilang milyong toneladang trigo kasi ang naantala sa Ukraine matapos na isara ng Russia ang mga pantalan.
Noong nakaraang linggo lamang ng payagan ng Russia ang pagbubukas ng mga pantalan.