-- Advertisements --
image 352

Inaasahang magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw mula Hulyo 17 hanggang 20, tinatayang magkakaroon ng rollbackna P0.10 kada litro sa presyo ng diesel.

Habang sa gasolina naman inaasahang magkakaroon ng umento na P0.80 hanggang P1.10 kada litro.

Paliwanag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbabawas sa oil production na ipinapatupad ng Saudi at Russia.

Karaniwang inaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo ng petroleum products sa araw ng Lunes at ipinapatupad sa araw ng Martes.