-- Advertisements --

Bahagyang makakahinga ng maluwag ang ilan sa mga kababayan nating motorista sa darating na linggo dahil sa pagpapatuloy pa ng pagbaba isa presyo ng diesel pero ang presyo ng gasolina, sisipa na naman pataas.

Sa datos, matatapyasan ng P2.00 hanggang P2.20 ang halaga ng kada litro ng diesel.

Habang maaari namang pumalo sa P3.80 hanggang P4.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ayon sa mga eksperto, ang naturang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo ay sanhi pa rin sa paggalaw at presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Magugunita na ito na ang ikalawang sunod na linggo na bumaba ang presyo ng diesel habang noong nakaraang linggo naman ay nagpatupad din naman ng bawas-singil ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kada litro ng gasolina.