-- Advertisements --
image 150

May good news at bad news para sa mga motorista sa susunod na linggo.

Magpapatupad kasi ang mga oil companies ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa mga energy sources, ang kerosene ay may pinakamalaking bawas na tinatayang aabot sa P2.30 hanggang sa P2.60 kada litro.

Habang ang diesel ay mayroon ding bawas na aabot sa P2.20 hanggang sa P2.50 kada litro.

Hindi naman magadang balita para sa mg gumagamit ng gasolina.

Posible kasing walang paggalaw sa presyo o hindi kaya ay may dagdag namang P0.30 kada litro.

Karaniwang inaanunisyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at inaanunsiyo sa araw ng Martes.