-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto.

Magkakasabay na ipinatupad kaninang ala-6 ng umaga ang bawas na P2.00 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.50 na bawas sa kada litro ng kerosene habang dagdag naman na P0.40 sa kada litro ng diesel.

Sinabi ng Department of Energy na may ilang bansa ang natakot sa banta ng global recession kaya lumutan ang dagdag-bawas sa mga presyo.