-- Advertisements --

Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang dagdag bawas sa presyo ng kanilang produkto.

Magkakasabay kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag P0.10 sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P0.85 na bawas sa kada litro ng kerosene at ang gasolina ay walang anumang paggalaw.

Itinuturing na dahilan ng Department of Energy na ang oil adjustments ay dahil sa ipinatong na dagdag gastos ng mga kumpanya ng langis.