-- Advertisements --

ILOILO CITY- Umaabot sa mahigit 400 flights ang na-delay at kinansela sa Hong Kong dahil sa Tropical Cyclome Wipha.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Merly Bunda, sinabi nito na sa inilabas na abiso ng airport authority, 397 flights ang delayed at 22 na mga flights naman ang kinansela.

Maliban dito, sinuspinde rin ang tram services.

Ayon naman sa Hong Kong government, nag-utos na ito sa Home Affairs Department na magbukas ng 23 na temporary shelters sa iba’t-ibang distrito kung saan 150 katao ang inaasahang titira sa nasabing lugar.