-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- nahuli ng mga otoridad ang dalawang lalaki na sangkot sa pagpupuslit ng mga iligal na pinutol na kahoy sa Barangay Patul,Santiago City.

Sa nakuhang impormasiyon ng bombo Radyo Cauayan ang mga pinaghihinalaan ay sina Ryan Saavedra,35 anyos, isang tsuper at Marvin Evangelista, 23 anyos, binata , isang helper na kapwa residente ng Purok 3, Barangay Sagana, Santiago City

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng City Intelligence Unit, Presinto 2, DENR, SCPO at CIDG ay naharang sa checkpoint ang mga suspek habang sinusubukang magpuslit ng mga iligal na pinutol na kahoy pangunahin na ang Punong mayapis na hinihinalang mula pa sa lalawigan ng Quirino.

Tinatayang nasa 912 Board Feet ng ibat ibang klase ng kahoy ang nasabat na isinakay sa isang Isuzu elf truck na minamaneho ng isa sa mga suspek.

Inaalam pa ng mga kasapi ng DENR San Isidro ang maaring halaga ng mga nakumpiskang hinihinalang illegal na pinutol na kahoy .

Dinala na ang mga nasamsam na mga kahoy sa DENR San Isidro habang mahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Anti illegal logging Act) ang mga pinaghihinalaan.