-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang inventory ng mga basic commodities tulad ng bigas, livestock, poultry at fishery products sa bansa.

Ito ay kahit pa maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang sinalanta ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sapat ang inventory ng bigas sa bansa ng hanggang 115 days.

Mayroon din aniyang sapat na supply ang bansa ng parehong local supplies at imported na frozen pork at fish products.

Tintiyak din ng kalihim na pinabubuti ng pamahalaan ang aquaculture sa bansa upang sa gayon ay mapayabong ito nang mas lalo ngayong sarado na ngayong quarter ang fishing season.

Nauna nang sinabi ni Dar na ang Pilipinas ay mag-aangkat ng 60,000 metric tons ng maliit na isda para maabot na rin ang demand partikular na sa galunggong, sardinas at mackerel sa unang quarter ng 2022.

Nakararanas kasi ng kakulangan sa suplay ng isda ang bansa bunsod ng pinsalang  natamo ng fishery sector dahil sa bagyong Odette noong December  2021.

Nasa P4 billion ang kabuuang halaga ng nasira at pagkaluging natamo ng fishery sector ng dahil sa nagdaang bagyo.