-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nakahanda ang bansa sakaling maranasan ang food crisis dulot ng kaguluhan sa Ukraine at Russia at ang pagtaas ng presyo ng mga langis.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na dahil sa nasabing mga factors ay mahalaga ang pagdoble kayod ng gobyerno para mapataas ang produksyon ng agrikultura.
Humiling din ang kalihim sa gobyerno ng dagdag na pondo para sa Plant-Plant-Plant prgogram ng ahensiya na naglalayon ng mabigyan ng fertilizer subsidy ang mga magsasaka at para mapalakas ang kanilang food production.
Naniniwala din ang kalhim na mararamdaman ang food crisis pagdating ng second quarter ng taon o kapag lumala pa ang kaguluhan sa Russia at Ukraine.