Tinatapos na ng Department of Agriculture ang kanilang 10-point agenda na tutugon sa mga isyung pumipigil sa pag-unlad ng farm sector ng bansa at mga stakeholder nito, partikular na ang mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi ng ahensya sa isang pahayag , na isinasaalang-alang ng kanilang roadmap ang mga input mula sa lahat ng stakeholder mula sa mga konsultasyon na ginawa kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Dagdag pa nito na kabilang sa mga rekomendasyon ay ang pagtatayo ng mga cold storage facility para sa mga gulay, kabilang ang mga sibuyas at laboratoryo para sa biosecurity concerns gayundin ang pagtatayo ng mga farm-to-market na kalsada
Sinabi rin ng DA na ang iba pang rekomendasyon katulad ng panawagan para sa conversion ng rice competitive enhancement funds sa rice price subsidy;mechanization of farm processes,kabilang ang para sa mataas na halaga ng mga pananim at fabrics; at ang pagtatatag ng mga local nursery at mga seed banks upang matiyak ang mataas na kalidad ng mga materyales sa pagtatanim at mga buto.
Nanawagan din ang mga lokal na producer ng pagkain para sa pagpapalawak at pagpapaigting ng soil testing aupang ma-optimize ang paggamit ng lupa at produktibidad.
Dagdag pa ng DA, inirekomenda rin ng pribadong sektor ang pagtatayo ng mas maraming pasilidad ng irigasyon; pagpapatupad ng mas mataas na biofuel blend upang matulungan ang industriya ng niyog; paglikha ng isang Department of Fisheries and Aquaculture; at ang pagtatatag ng data center para sa napapanahong istatistika ng agrikultura.