-- Advertisements --

Plano ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) ng mga asukal ng P90 per kilo ng mga asukal.

Base kasi sa pinakahuling monitoring ng DA na nasa P95.00 na per kilo ang asukal para sa mga refined; P75 per kilo sa mga washed at P70 per kilo ng brown.

Sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, na kailangan ng Pilipinas ang mag-angkat ng nasa 300,000 metric tons para sa mapunan ang kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.

Paliwanag pa nito na nanantili pa rin ang epekto ng bagyong Odette noong nakaraang taon sa mga lugar kung saan karamihan ay nagmumula ang mga asukal.

Nakatakdang makipagpulong ang DA sa mga negosyante ng asukal para sa nasabing usapin.