Umaasa ang Dapartment of Agriculture na magagawa nitong mailapit ang mas maraming mga clustered farm group sa pribadong sektro.
Ito ay upang makabuo ang mga ito ng mas maraming kolaborasyon sa larangan ng pagsasaka.
Ayon kay Ms. Karen Eloisa Barroga, Philippine Rice Research Institute (Phil Rice) Executive Director for Develoment, kasalukuyan ang pakikipagtulungan ng ahensiya sa iba pang government agencies upang mapatatag ang supply ng bigas sa buong bansa.
Ang pagnanais nilang ugnayan sa pagitan ng mga cluster farms sa pribadong sektor ay paraan na aniya upang matiyak ang mabilisang market o mapagbebentahan sa kanilang mga ani, pagkatapos ng mga harvest season.
Sa kasalukuyan, mayroong kabuuang 23 farming communities na tinutulungan nito sa ilalim ng Rice Business Innovation System Community Program.
Ang mahigit 20 na farming communities ay binubuo ng 214 cluster na binubuo rin ng 125 farmer organizations. Ito ay may kabuuang 10,000 hectares ng mga palayan.
Ayon kay Barroga, magpapatuloy ang pagtulong na ito, at umaasa silang mapapalawak pa, kasabay ng pagtugon sa panawagan ni PBBM na mapatatag ang rice industry sector sa Pilipinas.