-- Advertisements --

Nag-alok ang Department of Agriculture ng P25,000 na assistance loans sa mga naapektuhan ng bagyong Ineng sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, na matapos ideklara ang state of calamity sa Laoag City at Vintar, Ilocos Norte ay mabibigyan ang mga magsasaka ng hanggang P25,000, zero interest at payable up to 3 years ang mga magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) program.

Ang nasabing loan assistance ay base sa tulong ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Tiniyak din ng kalihim na may sapat silang pondo para sa nasabing loan program.