Inatasan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga field office nito sa buong bansa para maghanda sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon dala ng inaasahang malakas na pag-ulan.
Ayon sa DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo, inaasahang magdudulot ng mas malaking pinsala sa agrikultura ang La Nina kumpara sa El Nino.
Ito ay base na rin sa naitalang nakalipas na episodes ng 2 weather phenomenon.
Sinabi din ng opsiyal na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga grupo ng magsasaka para sa drainage water management para sa mga sakahan.
Tinitignan na rin ng DA ang mga lugar na naapektuhan ng La Nina sa nakalipas na 16 episodes o incidents.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa P5.90 billion ang halaga ng pinsala dulot ng El Nino sa ating bansa.
Nakaapekto ito sa kabuhayan ng mahigit 113,000 magsasaka at mangingisda.
Umaabot naman na sa P2.18 billion ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda