Matapos ang inilabas na memorandum hinggil sa pagbili ng abono at pamamahagi nito sa mga magsasaka, binigyang diin ng Department of Agriculture na hindi overpriced ang bibilhing biofertilizer at hindi ito pagmumulan ng fertilizer scam.
Ang biofertilizer ay isang uri ng pataba na may buhay na mikrobyo na mabibili sa ilalim ng National Rice Program.
Ang presyo naman ng biofertilizer ay nasa 2,000 na sasapat naman sa isang ektarya, mas mura raw ito kumpkara sa dalawang bag ng Urea na kinakailangan sa isang ektaryang sakahan na aabot sa 4000. Batay sa naturang memorandum, bibili ang ahensya ng biofertilizer at ipapamahagi ito sa mga magsasaka
Samantala, hindi naman kumbinsido ang Samahang Industriya ng Agrikultura at sinabing overpriced ang inilabas na presyo ng department of agriculture at maaaring pagsimulan pa daw ito ng fertilizer scam.
Naniniwala din ang ahensya na mas mabisa ang biofertilizer at nanindigan na hindi ito pagmumulan ng scam.
Tiniyak din ng department of agriculture na maayos ang kalidad ng mabibili nilang biofertilizer.