-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Agriculture ang publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop matapos makarating sa kanilang opisina ang ulat na isang baka sa Marinduque ang nagpositibo sa rabies. 

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Dante Palabrica, hindi raw nawawala ang virus mapa-summer man o tag-ulan.

Dahil dito, hinikayat din nito ang mga tao na magpabakuna laban sa rabies. 

Ayon naman kay Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, 100% fatal daw ang rabies. Subalit ito rindaw ay 100% preventable sa pamamagitan ng pagpapabakuna. 

Umaasa ang kagawaran na sa dinami-rami ng alagang hayop sa bansa ay kahit man lang 40%-50% sa mga ito ay mabakunahan.

Base naman sa ulat ng Department of Health, 200 na katao ang namamatay kada taon dahil sa rabies. 

Noong 2022 nga ay may naiulat na 370 kataong nasawi dahil dito.

Nakikipagtulungan na raw ang Department of Health sa Department of Education, Department of Interior and Local Government, at Food and Drug Administration para tuluyan ng mapuksa ang human rabies sa 2027 at madeklara ng rabies-free ang Pilipinas sa 2030.