-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Laurel Jr. ang pagsasagawa ng assessment sa pinsalang idinulot ng malakas na lindol na tumama sa ilang parte ng Mindanao.
Kaugnay nito, inatasan ng kalihim ang DA sa Mindanao partikular ang DA Sarangani at General Santos city na tinamaan ng malakas na lindol na magsagawa ng damage assessment sa farm infrastructure.
Inatasan din ng kalihim ang DA officials na i-assess ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Nangako din ng DA chief na nakahanda silang magbigay ng tulong upang agad na makarekober ang mga stakeholder sa sektor ng agrikultura mula sa sakuna.