CAUAYAN CITY – Anim na checkpoints ang inilatag ng Department of Agriculture (DA) Region 2 upang mapigilan ang pagpasok ng african swine fever (ASF) sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Roberto Busania, regional technical director for operations annd extension ng DA Region 2 na ang anim na checkpoints ay nakalatag sa Santa Praxedes Cagayan, Santa Fe at Kapaya sa Nueva Vizcaya at isa sa Nagtipunan, Quirino.
Mayroon ding checkpoints sa Isabela pangunahin na sa mga bayan ng San Pablo at Cordon.
Sa mga inilatag na checkpoints ay mayroong nakatalagang mga kawani ng DA , Bureau of Animal Industry, kinatawan ng LGU at PNP.
Mahigpit anya nilang sinusuri ang mga baboy at pork meat na pumnapasok sa rehiyon upang matiyak na hindi nagtataglay ng sakit.
Tiniyak naman niya na wala pa namang naitatalang kaso ng ASF sa Region 2 at sa buong bansa.