Target ng Czech Republic na magkaroon ng mas marami pang defense cooperation kasama ang Department of National Defnse at nagpahayag din ng suporta para sa nagpapatuloy na modernization program ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, ito ang naging highlight ng pagpupulong sa pagitan ng delegasyon mula sa Czech republic sa pangunguna ni Czech Ambassador to Manila Karel Hejč, at DND Undersecretary Irineo Espino sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong nakalipas na araw.
Kapwa pinag-usapn aniya ang common security challenges, paninindigan sa international law na partikular na sa international maritime law at mga inaasam-asam na pangmatagalang defense cooperation sa ilalim ng 2017 agreement sa defense cooperation at 2021 memorandum of understanding na nakatutok sa defense industry at logistics sa pagitan ng DND at Czech Republic Ministry.
Inihayag din ng Czech Republic envoy na bukas ang kanilang bansa para sa governmen to government cooperation, pag-explore ng joint manufacturing arrangements at pagaalok ng financing options para sa mga posibleng proyekto.










