LA UNION – Mas tumaas ngayon taon ang kaso ng cyber crime kung ikukumpara noong nakaraan taon sa kaparehong period.

Ito ang kinumpirma ni Pol. Lt. Col. Dominador Estrada officer in charge ng Regional Anti Cyber Crime Unit sa panayam ng Bombo Radyo La Union.

Ayon kay Estrada, hindi hamak na mas mataas ng apat na beses ang naitalang cybercrime cases at pinakamataas ang online libel.

Sumunod ang online threat, pangatlo ang child pornography at photo voyuerism at pinakamababa ang online scam.