-- Advertisements --

GENERAL SANTOS – Lalatiguhin ang sinumang mahuhuli na lumabag sa curfew sa Kenya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Fr. Jimboy Caspis, Isang Missionary Priest sa Kenya

Hirap daw kasi ang gobyerno ng Kenya sa pagpigil sa kanilang mga mamamayan sa paglabas ng bahay sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Marso 13 nang ipinatupad ang lockdown sa Kenya para maiwasan na ang tuluyang pagkalat at pagtaas ng kaso nang nahahawa sa sakit

Samantala, nababahala naman aniya si President Uhuru Kenyatta sa sasapitin ng ekonomiya ng bansa.

Tanging mga essential business lamang aniya sa ngayon ang bukas at ilang mga paliparan pero limitado lamang ang bilang ng biyahe.