Nagpatupad ang Pamahalaan lungsod ng Cavite ng curfew hours para sa mga menor de edad matapos ang naganap na pagsabog ng granada na kumitil sa tatlong katao habang apat naman ang nasugatan kahapon, Enero 25.
Sa inilabas na abiso ng LGU sa kanilang official FB account, nakasaad na lahat ng indibidwal edad 18 anyos pababa ay hindi papayagang makalabas sa oras na alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
Nagpaabot din ng mensahe ng pakikiramay ang alkalde ng lungsod na si Mayor Denver Chua sa pamilya ng mga biktima na nasawi sa pagsabog.
Sa ngayon nakikipagtulungan na ang lokal na pamahalaan sa iba pang pamilyang apektado ng trahedya.
Maaalala, ayon sa Cavite Police Provincial Office (PPO) noong gabi nang mangyari ang insidente, dalawang grupo ng kabataang kalalakihan ang nasangkot sa gulo at napaulat na naghahabulan at nagbabatuhan hanggang sa sumaklolo na ang mga opisyal ng barangay.
Isa sa mga suspek ay napaulat na mayroong hand grenade na sumabog habang nagaganap ang gulo.
Naturn-over naman na sa City Social Welfare and Development Office ang suspek na menor de edad nanatukoy sa alias nito na Daniel.










