-- Advertisements --

Sinira ng Russian missile ang House of Culture sa Ukraine.

Ayon sa mga otoridad sa Ukraine na dahil sa insidente ay nasugatan ang pitong katao kabilang ang 11-anyos na bata.

Ang nasabing House of Culture ay matatagpuan sa Lozova na may layong 73 kilometers ng southwest ng Izlum sa Kharkiv region.

Itinuturing na ito ay bagong renovated na lamang at ginawa itong taguan ng mga sibilyan mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.