-- Advertisements --
image 94

Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang mga government agencies na isulong ang digital transformation upang mas lalo pang mapabuti ang kahusayan at paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles na ang COVID-19 pandemic ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtanggap sa mga digital na teknolohiya at paggamit ng isang digitally capable at future-ready na manggagawa upang makayanan ang mga krisis at pagkagambala sa mga pampublikong serbisyo.
Dagdag pa ni Nograles na ang pagpapabilis ng digital transformation sa loob ng gobyerno ay isa sa mga tinukoy na hakbang na nasa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Layon nitong pahusayin at palakasin ang mga tungkulin, sistema, at mekanismo ng gobyerno.
Binigyang-diin din ni Nograles na ang digital transformation ay hindi lamang tungkol sa paglipat mula sa manual o analog patungo sa digital tools.
Ibinahagi din ni Chairperson Nograles na ang CSC ay nagsasagawa rin ng sarili nitong digital transformation journey.
Binuo ng CSC ang Smart Workplace Initiative upang mapahusay at mapabilis ang daloy ng trabaho.
Kasama sa programang ito ang pagbabago ng lugar ng trabaho sa isang co-working space na angkop para sa hybrid at mobile work set-up.
Sinabi din ni Nograles na ang CSC ay nakatuon sa pagiging nangunguna sa pagbibigay kapangyarihan sa mga human resources at paghahatid ng mahusay na serbisyo sa mga stakeholder nito.