-- Advertisements --
Patay sa hazing ang 25-anyos na criminology student sa hazing sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ahldyrn Bravante na nag-aaral sa Philippine College of Criminology.
Base sa kapulisan na nakatanggap sila ng tawag na mayroong biktima ng hazing.
Naganap umano ang hazing sa isang abandonadong gusali sa Sto. Domingo Avenue sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw.
Patuloy na nagsasagawa ang kapulisan ng imbestigasyon sa nasabing insidente.