-- Advertisements --

CEBU – Humingi ng tulong ang isang crew ng cargo vessel na M/V Good Fortune sa Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng Facebook live matapos na nagka-aberya ang sinakyang barko sa karagatan ng Maasin, Southern Leyte at Bohol.

Sa Facebook live ni Jhon Paul Lato (JP Lats), makikitang pinasok na ng tubig dagat ang nasabing barko, at naghahanda na ang mga crew sa pamamagitan ng pagsuot ng life vest habang naghihintay ng tulong.

Sa isang phone call, kinumpirma ng PCG-Western Leyte Command sa Bombo News Team ang distress call ng nasabing barko.

Aniya, galing ang barko sa lungsod ng Naga, lalawigan ng Cebu, papuntang Tacloban City.

Sa ngayon, wala pa namang karagdagang detalye na ibinigay ang otoridad sa nasabing insidente.