-- Advertisements --
terence crawford 1
WBO champ Terence Crawford

Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao.

Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook.

Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo at wala pa ring talo, habang mayroon ng 28 knockouts.

Sinabi ni Crawford na matagal na niyang hinihintay ang panahon na makaharap ang Filipino boxing champion.

Dagdag pa nito, kung hindi lamang sa coronavirus pandemic ay natuloy na ang laban.

Sinasabing mayroon ng 95 percent na natapos ang usapin na gagawin ito sa Middle East.

Tiniyak naman ni Top Rank big boss Bob Arum na itutuloy ang laban ng dalawa sa 2021.