-- Advertisements --


CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat muli ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natitirang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines na mayroong armed group na New People’s Army na tuluyan nang tatalikuran ang armadong pakikipaglaban sa sariling gobyerno ng bansa.

Ginawa ng dating presidente ang mensahe kasunod ng kanyang pagtanggap ng isang pagkilala bilang ‘adopted son’ ng Cagayan de Oro City na inisyatiba naman ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy na umani ng all-out support ng lokal na konseho ng syudad.

Sinabi ni Duterte na dapat ibaba na ng mga rebelde ang kanilang mga baril dahil kahit bansang China ay itinakwil na ang prinsipyo ng komunismo.

Sa panahon ni Duterte na tuluyang tinigil ng national government ang peacetalks negotiation sa pagitan ng CPP-NPA-NDF subalit mas ibinaba nito sa mga kanayunan ang pagre-resolba ng mga problema sa bisa ng executive order no. 70 na mas kilala na ‘whole of the nation approach.’