
Napanatili ng National Capital Region (NCR) ang pagtaas COVID-19 positivity rate na sumipa sa 7.2%, batay sa datos independent monitoring group na OCTA Research.
Sinabi ni OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na bahagyang tumaas mula 6.5% noong Abril 8, hanggang 7.2% ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19.
Naitala rin ang “high” positivity rates sa tatlong probinsya sa Misamis Oriental na may 22.75. Camarines Sur na 21.1%, at Rizal na 20.2%.
Nagkaroon din ng pagtaas ng nakamamatay na sakit na naobserbahan sa Benguet, Bulacan, Cavite, Cebu, Laguna, Pampanga, Pangasinan, at Zamboanga del Sur.
Sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala ang Pilipinas ng 443 na bagong kaso ng COVID-19, na nagdala ng aktibong bilang sa 9,569.
Una na rito, ang NCR ay nanatiling rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na may 1,344 na kaso.










